ang bahay-aso

Google | Yahoo! | Peyups | Blogarama | Eatonweb Portal | Filipino Blogs | Philippine Sites | Philippine Blog Awards | Rice Bowl Journals

Culture Crash Comics | Visionary | Contradiction In Terms | Notes From The Peanut Gallery | Stark Raving Mad

Filipino Comic Book Portal | Ang Bahay-Aso Annex


About this Entry
Posted by: woofydogg

Visit woofydogg's Xanga Site

Original: 1/17/2005 1:06 AM
Views: 154
Comments: 2
eProps: 2

Read Comments
Post a Comment
Back to Your Xanga Site


Who gave the eProps?
2 eProps!2 eProps! 2 eProps from:
ame1314


Monday, January 17, 2005

 

Gintong Parangal

Gusto ko ng gintong parangal...

Sana in the future manalo ako ng isang award na makikita ako sa TV. Parang 'yung sa Golden Globes na magaganap maya-maya lang.

'Yung gan'un ba? 

Pero 'wag ka, sa noong Canto Cinco christmas party, may award ako... Kaso hindi ginto, ni hindi nga gold-plated eh. Certificate lang.

Sick-O award. Lagi kasi akong may sakit eh.

At least healthy na ako ulit ngayon... mukhang sa sobrang healthy nga eh tumataba na naman ako eh.

Ikaw ba naman ang maging bum.  

Pero 'wag ka, yung iba ko namang kasama sa C5 ang may sakit...

Si Patot, si Persia (the wolf), tapos alam ko si Badette din.

Oh well. Sana gumaling na silang lahat.

Sana gumaling na lahat ng maysakit sa minutong ito.

Para masaya.

%&^

Si Patot

Si Patot a.k.a Jayson ay may sakit ngayon. Siya ang aming magiting na Tenor 1 sa Canto Cinco. Malakas, matipuno... matakaw. Ayan tuloy, na high-blood... nasobrahan yata sa lechon noong Bagong Taon. 

Nasa Makati Medical City siya ngayon. Akalain mong iisang taon pa lang pala ang hospital na 'yun.

Galing kami dun kanina ni Abbey, Persia at Precious. Si Abbey, parang nanggaling sa pagkanta sa kasal sa outfit niya, ang De Yro sisters naman ay pasaway na tumakas sa isang birthday party... at darating pala si Sheila sa party na 'yun at wala sila! Pasaway.

Ok naman pala si Patot e, tumaba pa nga... Hm.... Bakit ganoon? Sabi ni Deedee, nung si Ronnie ay na-hospital, tumaba din daw ang maganda. Magpa-hospital din kaya ako?

Weirdo akong tao, for some odd reason, gusto ko ang idea na nako-confine ako sa hospital. Ewan ko ba...

Sana gumaling na si Patot kasi kelangan namin siya sa Martes. Papakinggan na kasi kami nung vocal trainor from San Miguel Master Chorale para ma-gauge kung gaano ka-intense ang gagawing training sa amin para sa recording... Kapag hindi kami type ng tenga ng trainor na 'yun, babay Marian Album...

Lord 'wag naman po. Excited na ako.

%&^

Suntok Sa Buwan

I imagine na-post ko na 'to before pero who reads my blog anyway? Suntok sa Buwan by Session Road from their album Suntok Sa Buwan

Hindi mo ba alam?
Damdamin ko'y pinagtakpan
Makasama ka'y suntok sa buwan

'Di mo nga alam
Mundo mo nga'y iyong tingnan
Kung ganyan, walang pupuntahan

Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo

Itanong mo sa akin
Tatanungin ka rin
Kung ika'y aamin
Lahat ay gagawin

'Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
'Di habang buhay ika'y aantayin

Ito'y aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Nang puso ko'y 'di nabibitin

Hindi ko 'to gusto
Pero 'wag kang lalayo

Itanong mo sa akin
Tatanungin ka rin
Kung ika'y aamin
Lahat ay gagawin

%^&

Session Road Angel

Eto si Hannah, ang vocalist ng Session Road. Mahal ko na siya, at nangangako akong mamahalin ko siya ng kagaya ng pagmamahal ko kay Kitchie Nadal at Acel ng Moonstar 88 (sayang lang at wala na si Acel dun.)

Btw, panoorin niyo ang Session Road whenever they perform live. They're really good... Sounds way better than the CD. And Hannah can hit those high notes effortlessly. Astig... Hay...

woofy

 Posted 1/17/2005 1:06 AM - 154 Views - 2 eProps - 2 comments

Give eProps or Post a Comment

2 Comments

Visit ame1314's Xanga Site!
no way. being confined in the hospital sucks. it's soooooooo boring, especially with an IV drip stuck to your writing hand. >______<
Posted 1/18/2005 10:29 PM by ame1314 - reply

Visit woofydogg's Xanga Site!
Hehe. I guess kaya gusto ko sa hospital kasi I don't remember being confined before... Gusto ko lang ma-experience. :)
Posted 1/19/2005 2:01 AM by woofydogg - reply


Choose Identity
(?)
 
Give eProps (?)
Post a Comment
Add Link | Preview HTML comment help 
  • Say it with Minis! (?)

Profile Pic:
Default  |  Choose »  (?)



Back to woofydogg's Xanga Site!
Note: your comment will appear in woofydogg's local time zone:
GMT +08:00 (China Coast)