Buhay Bum
Lamon, tulog.
Iyan ang buhay bum.
Wala rin naman akong magagawa, wala naman akong pera...
'Yung pera na nakalap ko noong Pasko, nangalahati na. Ewan ko ba kung saan napunta... No wait, alam ko pala kung saan napunta...
...Sa regalo ng nanay at tatay ko, sa comics, sa pagkain at sa kape. Nakupo, wala pa palang regalo ang kapatid ko, saka na sa birthday ko na lang, palitan na lang kami.
Kung sa pera naman, pwede naman akong maghanap ng trabaho pero...
...Nakakatamad eh. Aalis din naman ako. Ewan ko ba kung bakit ako ganito.
%^&
Trabaho... Todo Na Ito!
Naisip ko lang na kung magtratrabaho ako, gusto ko na sa planta...
Dati kasi, sabi ko mas gusto ko ang consultancy. Pero ngayon, mas gusto ko na sa planta...
...Kasi parang mas exciting, nakikita mo agad ang produkto, nasusundan mo sa production line 'yung bunga ng pawis at uhog mo.
Ang tanong ay saan naman ako magtratrabaho? Ayaw ko sa Oleochemicals, Petroleum at Petrochemicals, pakiramdam ko wala pa akong isang taon dun eh baog na ako.
Mas gusto ko sa Food at Pharmaceuticals. Food kasi ang sarap kumain. Pharmaceuticals kasi secretly kong pinapaalam sa buong mundo na gusto kong pa ring maging doctor...
...'Di naman masamang mangarap 'di ba?
Sabi ko nga, bata pa ako.
%&^
Buhay Artista
Maiba ako... todo na ito. Mukhang matutuloy na nga yata ang recording namin ngayong Pebrero.
Wala nga akong trabaho ngayong Enero pero sobra-sobra naman sa rehearsals ang nag-aabang sa amin.
Kanina nga, nagpa-General Meeting si Fr. Jboy. Maayos at mapayapa naman, wala namang nagsapakan. Pero mukhang malinaw na sa lahat ang kabigatan ng aming tatahakin sa taong ito.
Parish Tours, Liturgical Music Seminars tapos 'yung recording pa... At aminado naman akong hindi pa kami ganoon kagaling na grupo.
Lord, kaya natin 'to.
%&^
Kape Na Naman?!?
Napapadalas na yata ang pagkakape ko. Kagabi, kasama ko si Persia the wolf, Deedee, Abbey at Fr. Jboy para magkape. Tapos kanina naman, magkakasama na naman kami menos 'yung pari.
Kakaiba na ito.
Pero naaliw lang ako at todo bonding na kami ni Persia at Abbey... isang asexual na tao na lang, kumpleto na...
Bwahaha. Todo na ito.
%&^
Sa Dalampasigan

woofster |